Where is jake the God father?
JAKE CALLING HIS NEW HOME " THE PLEASANTVILLE SET"
He is in Hercules California!!! Yes everyone! he is there at the moment, trying to find greener pastures abroad. Actually his family resides there and that this time he feels like it is time for him to rejoin his family once and for all and sort of leave the country FOR A WHILE. It's so funny how Jake describes the new environment that he's at. He completely thinks it's like a set of the film " PLEASANTVILLE". Either or, we all think that it is some sort of a good idea that he's in a location like that.... a sense of rehabilitation from the crazy hustle and bustle of his long long stay in the city life and film industry.
Jake has'nt changed a bit. Still the makabayan Jake, ( we used to go in the streets whenever we needed to protest on something we strongly disagreed on).. In his most recent blog he says.
bad pinoy sa amerika
since i got here in california last month, palagi na lang akong nakakarinig ng warning sa mga kapwa pinoy na nakakausap ko, "jake, ingat ka sa mga pinoy dito ha." bakit kaya? but so far, wala pa naman akong bad encounter with "those" pinoy. but i feel bad. i feel bad for the "filipinos".
and i want to meet more filipinos here. but siguro nga, since lahat yata ng pinoy dito are avoiding each other, wala pa akong bagong pinoy na nakikilala, siguro iniiwasan din nila ako.
i don't need to go to the root of this "problem". simple lang yan, like what my surfmate dads told me, "matino ang mga filipino, ang nagpapasama sa kanya ay ang kanyang environment, ang mundong kanyang ginagalawan." and i agree, and i'm sure all of us filipinos will agree.
sa japan, ang sama din ng reputation ng mga pinoy. sa europa hindi masyado. ano ba ang pagkakaiba ng japan at america kumpara sa europe? alam na natin yan. (yung hindi pa nakakaalam, alamin nyo, i don't have enough space to elaborate). i haven't been to japan, but i have a little interesting knowledge about their culture, because maraming impluwensya sa akin ang kultura nila bilang isang "artist". obviously ang buhay sa pilipinas ay "very americanized", from school to our everyday life. dito sa america, ang mga tao ay trabaho ng trabaho, tamad nga lang daw ang hindi magkakaroon ng maayos na buhay dito. kaya ang mga tao, kayod. nagtatrabaho ng 18 hours a day. pero hindi dahil masisipag sila, kailangan kasi nilang bayaran ang tambak na utang nila. kaya sa ordinaryong pinoy, kulang ang 24 hours a day sa dami ng babayarang utang. ganun nga yata ang buhay sa america, kung wala kang utang hindi ka magsu-survive.
nandito sa america ang lahat ng hinahanap ng mga ordinaryong pinoy. lalong-lalo na ang mga materyal na bagay na salat sila sa pilipinas. since lahat ay puedeng utangin, utang kabi-kabila ang pinoy, kaya ang ending, nangagarag sa paghahanap ng pera. ngarag plus walang pera equals pagsama ng ugali.
sa pilipinas, specially kung nasa probinsya ka, ang babait ng mga filipino. simple lang kasi ang buhay, simple ang kapaligiran, simple ang pamumuhay.
but then again, nasa foundation ng isang tao ang maaaring magpabagsak sa kanyang pagkatao. malumanay man o mabilis ang kanyang ginagalawang environment, ang taong may matibay na foundation ay hndi matitibag. kaya maari kayang kalimitan sa mga pinoy na naririto sa america ay may weak foundation? or sadyang mahina talaga ang foundation ng mga makabagong filipino?
jake de asis
hercules, california
september 10, 2006
Don't think however that Jake being outside the country would mean that he doesnt care so much about what's going on out here... in fact he is very much updated...( thanks to the world wide web) and he is still that strict and firm guy we have always known. in a recent blog he still gets to get back at the dumbest people who doesnt have anything to do but chismis.... here:
chismis
Ayokong magpaka-plastik para hindi ko aminin na na-"bad trip" ako sa "chismis" na sinabi ng kapatid ko sa email nya.
Ganito ang "chismis" tungkol sa akin:
"Pumunta daw ako dito sa Amerika bilang "tourist". At ngayon daw ay hindi ako makauwi."
Hahaha!
Ewan ko kung papaano nakakaisip ang mga tao ng ganyang kwento. Paano kaya nila nililikha ang mga ganoong kuento sa kanilang isip? At bakit sila nakakaisip ng mga ganung kuento? Alam kaya nila na sila ay lumilikha lang nang "chismis"? At ano kayang napapala nila sa paglikha ng "chismis"? At higit sa lahat ano ang nagtutulak sa kanila sa pag-gawa ng chismis?
Ayoko nang isipin. Kung ano man 'yon ay ayoko nang isa-isahin pa.
Isa lang ang masasabi ko sa taong malikhaing nag-isip nang chismis na ito tungkol sa akin, "Madapakasana!"
Jake de Asis
Hercules, CA
Seept. 20, 2006
If anyone wishes to really know what he's up to... well... he's been travelling and travelling.... He's not in the mood to still find a job yet... still enjoying the free time he has.... ( finally that he is away from the crazy world of advertising)....
We surely miss you Jake... There's nothing like having you around the
La union scene carcking jokes.. even Angel has been asking how you're doing. Take care and we will see you soonest. Muah!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home